Relationship is not only about finding the right partner. But also.. being the right partner.
Nung nabasa ko sa twitter yan medyo ngayon ngayon lang, napa-isip ako. Anong ibig sabihin ng pagiging “right partner”? Ibig sabihin ba nun eh dapat lahat ng gawin at ginagawa mo ay tama? Na dapat wala kang pagkakamali? Eh papano nalang pag nagkamali ka? Hindi ka na ba isang right partner? Pano naman kung ung partner mo naman un laging nagkakamali? Hindi na ba siya ang right partner na para sayo?
Akala ko dati, ganun yon. Na kapag nagkamali ka, wala na. Wala ka nang kwenta. Ganun kasi ung tingin ko sa sarili ko. Kaya din naman takot akong umibig at makipag relasyon dati. Kasi takot akong maging isang pagkakamali. Pero nung naranasan ko nang pumasok sa isang relasyon, dun ko mas naintindihan.
Hindi naman dahil sinabing right partner eh dapat hindi ka nagkakamali. Minsan nga diba sa pagkakamali pa tayo natututo. Sa pagkakamali pa natin napag tatanto (narerealize) na mali pala ung ginawa natin. Pero, hindi din naman tamang isipin na dahil laging nagkakamali ang partner mo eh hindi na siya ang taong para sayo. Hindi naman dapat perpekto ka o yung karelasyon mo. Dapat lang, pareho kayong mapang-unawa sa isa’t isa.
Para sakin, karangalan ang magkaron ng partner na bago lang sa larangan ng pakikipag relasyon. Bago, meaning ang partner na madalas magkamali. Oo, totoong hassle nga yun. Nakakasawa. Hindi mo alam kung dapat mo nang sukuan o dapat mo pa ding intindihin at ipag laban lalo pag mahal na mahal mo. AT, ang masaklap sa lahat, ang sakit sakit niyang mahalin. Pero ang hindi mo alam, sa sobrang pagka baguhan niya hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niya, o kung ano ang dapat niyang gawin. Hindi mo alam yun kaya ang pakiramdam mo niloloko ka lang niya at nakikipaglaro lang siya sayo. Sobrang nasasaktan ka kaya hindi mo nakikitang nasasaktan na din siya.
Pero eto ang isipin mo: Hindi binigay ng Diyos sayo ang taong isang kagaya niya ng walang dahilan. Maaring dahil nga siya ang para sayo, napaaga lang ng pagdeliver. O kaya, binigay siya sayo ng Diyos dahil alam Niya na ikaw ang may kakayahang ituro sa kanya ang tama at mali. Ikaw ung “chosen one” para ituro sa baguhan mong partner kung pano ba magmahal ng tama, ano ang tama at mali, kung kelan dapat ipaglaban at isuko ang pag iibigan. At hindi mo alam, ikaw pala ung blessing sa buhay niya. Kaya wag mo iparamdam sa isang tao na hindi siya karapatdapat mahalin ng kahit sino. Lahat naman ng tao nagkakamali. Pero lahat din, natututo.
Kagaya nga ng sabi ko kanina dapat unawaan lang, pina-ikot ikot ko lang ang usapan. Hehe! At saka importante din ang tiwala higit sa pagmamahal. At dapat din, kapag nagawa na natin ang isang pagkakamali, matuto na tayo agad. Wag na natin ulit-ulitin pa. Wag tayong abuso sa kabaitan ng mga partner natin. Kung inintindi ka niya nung unang beses na nagawa mo ung pagkakamali na yun, magpasalamat ka. Wag mong abusuhin. At kung isa ka naman sa mga may “beginner” na partner, wag kang sumuko agad. Sa lahat ng taong kailangan marunong umintindi ng matindi, mayroong tiwala at tiyaga, nasa pinaka itaas ka ng listahan.